TATLONG BAGONG GYMNASIUM SA BAYAN NG CABIAO, PINAKIKINABANGAN NA

     Kasalukuyan nang pinakikinabangan ang tatlong bagong gymnasium sa bayan ng Cabiao na ipinagawa ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Oyie Matias Umali.

     Kamakailan lamang ay pinangunahan ng kongresista ng ikatlong distrito ng lalawigan na si Congresswoman Cherry Umali ang inagurasyon at blessing ng naturang mga Umali Gym.

     Dalawang school gym at isang barangay gymnasium ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa tatlong barangay ng Cabiao na kinabibilangan ng Barangay San Carlos, Barangay Palasinan at Barangay Sinipit.

PINAKIKINABANGAN NA ANG TATLONG BAGONG GYMNASIUM NA IPINAGAWA NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA BAYAN NG CABIAO.
PINAKIKINABANGAN NA ANG TATLONG BAGONG GYMNASIUM NA IPINAGAWA NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA BAYAN NG CABIAO. 

     Bawat barangay ay nagdaos ng programa na dinaluhan ng mga kapitan, konsehal, estudyante, guro, at mga mamamayan ng bawat barangay.

     Sa kanyang mensahe, sinabi ng kongresista na natutuwa siyang makita na masigla ang mga mag-aaral, maging ang mamamayan dahil sa mga ipinatayong gymnasium sa kani-kanilang mga lugar na maaaring pagdausan ng mga aktibidad o okasyon.

PINANGUNAHAN NI CONGRESSWOMAN CHERRY UMALI ANG INAGURASYON NG TATLONG BAGONG GYM NA IPINAGAWA NI GOVERNOR OYIE UMALI SA BAYAN NG CABIAO
PINANGUNAHAN NI CONGRESSWOMAN CHERRY UMALI ANG INAGURASYON NG TATLONG BAGONG GYM NA IPINAGAWA NI GOVERNOR OYIE UMALI SA BAYAN NG CABIAO

     Labis din naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga taga- cabiao dahil sa regalong natanggap nila mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

     Ayon sa kanila, sa wakas ay hindi na maiinitan o mauulanan ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga paaralan tuwing may aktibidad lalong-lalo na kapag Graduation Day. Makapaglalaro na rin umano ang mga kabataan ng basketball at iba pang sports umulan man o umaraw.

     Ang tatlong bagong gymnasium sa bayan ng Cabiao ay kabilang lamang sa mahigit tatlong-daang gymnasium na ipinatayo ni Governor Oyie at Congresswoman Cherry sa buong lalawigan.- ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *