Tau Gamma Phi, nais umanong baguhin ang masamang imahe ng fraternity

Sa pamamagitan ng pagkakawang gawa tulad ng pagpapakain sa mga mahihirap at paglilinis ng mga komunidad ay kaakibat ang mensaheng nais umanong ipabatid ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi na sila ay mabubuting tao na bukas palad at handang tumulong sa kapwa.

Ayon kay Ronald Christian Angeles, Chairman ng Tau Gamma Phi Cabanatuan City Council, sa taunang pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang kapatiran ay nagkakaroon sila ng Triskelion Week na inilalaan nila sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.

Aniya, nais nilang baguhin ang masamang imahe ng mga fraternity at iwaksi sa isip ng ibang tao na puro lamang sila gulo at pakikipag-away.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ng kapatiran ay ang feeding program para sa mga mag-aaral ng Brgy. Bakod Bayan, San Josef, San Roque, Kalikid Sur at Mabini Extension ng Cabanatuan City, pamumudmod ng pagkain na tinawag na β€œfood for the homeless” sa Central Terminal, paglilinis ng kapaligiran sa Barangy San Josef, at pagsasagawa ng basketball tournament sa Villa Luz covered court.

                Photo Courtesy: Tau Gamma Phi Cabanatuan Council

Bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 51st Founding Anniversary noong biyernes, October 4, 2019 ay daan-daang Triskelions ang nakiisa sa isinagawang parada.

Sinimulan ang parada sa Wilcon diretsong Circum, dumaan sa City Hall patungong San Josef, tumungo ng Wesleyan papuntang Barrera hanggang Terminal at dumaan sa mga chapter ng school base na NEUST, CRT, Good Samaritan, diretso ng Plaza Lucero, Aduas papuntang Mayapyap hanggang Caalibangbangan at bumalikng Cabanatuan City proper.

Huling tinungo ng mga Triskelions ang Eternal Garden upang dalawin ang puntod ng namapayang miyembro na si Jonathan Bustamante.

Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat sina Angeles at Bonifacio sa mga kasamahan dahil sa patuloy nilang pagmamahal na nagiging pundasyon ng katatagan ng kapatiran.β€” Ulat ni Jovelyn Astrero


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *