TEAM SAN ISIDRO, BONGABON AT SAN LEONARDO, NANANATILI PA RING WALANG TALO SA SOUTH DISTRICT NG 1ST GOVERNOR’S CUP BASKETBALL TOURNAMENT

Binigo ng mga ito ang ilang koponan na kanilang nakalaban matapos ang tatlong linggong bakbakan ng 11 koponan na lumahok sa South District.

San Leonardo Team

Tinalo ng Team San Leonardo ang mga koponan mula sa Bayan ng Gabaldon, Bayan ng General Natividad, Bayan ng General Tinio at Lungsod ng Palayan.

Bongabon Team

Ipinamalas rin ng Bayan ng Bongabon ang bilis at bangis ng kanilang manlalaro dahilan ng pagkadapa sa laro ng bayan ng General Natividad, Peñaranda, Gabaldon at Lungsod ng Gapan.

San Isidro Team

Samantala, hindi rin nagpahuli sa listahan ang Bayan ng San isidro na ipinakita ang puso at tapang sa bawat laban simula ng umpisahan ang palaro. Ilan sa mga pinaupo ng Team San Isidro ang Lungsod ng Gapan, Lungsod ng Palayan, Bayan ng Sta. Rosa at Bayan ng Gabaldon.

Sa susunod na Sabado, ika 18 ng Hulyo, makakatapat ng Bayan ng San Isidro ang Bayan ng Peñaranda ganap na alas-otso ng umaga, susundan ng Bayan ng Bongabon at Bayan ng Sta Rosa, at sa ganap na alas-tres ng hapon ang Bayan ng San Leonardo laban sa Lungsod ng Gapan ang magtutunggali na gaganapin sa San Leonardo Gymnasium at sa araw ng Linggo, ika-19 ng Hulyo, maghaharap ang Bayan ng Bongabon kontra sa Lungsod ng Cabanatuan, samantala bandang tanghali ay makakatunggali ng Bayan ng San Leonardo ang Bayan ng Peñarada na gaganapin sa Sta. Rosa Gymnasium.- Ulat ni Shane Tolentino

1 2

 

 

 

 

 

ang pag tetext ay nakakamatay[youtube=http://youtu.be/Ib-hSIj2U-M]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *