TEAM SAN LEONARDO, PINAGHAHANDAAN ANG LABAN SA PAGITAN NG SAN ISIDRO

Team San Leonardo
Team San Leonardo

Labis na pinaghahandaan Ng Team San Leonardo ang paghaharap ng isa sa pinakamatindi nilang makakalaban sa South District, walang iba kundi ang bayan ng San Isidro.

6 na bayan na ang pinataob ng Team San Leonardo. Kabilang sa mga bayang ito ay ang mga team mula sa Bayan ng Gabaldon, General Natividad, General Tinio, Palayan City, Gapan City, at Peñaranda.

Jerry Maniego
Jeremiah Maniego, Coach San Leonardo

Ayon sa kanilang coach na si Jerry Maniego, sikreto ng kanilang grupo ay ang pagsunod ng kanilang mga manlalaro sa lahat ng pinagagawa ng mga coaching staff.

Team San Isidro
Team San Isidro

Ngayong papalapit na ang kanilang paghaharap ng bayan ng San Isidro na magaganap sa unang araw ng Agosto ay kanila nang pinaghahandaan ang matinding sagupaan ng dalawang koponan na unabis ay wala pang talo at siyang nangunguna sa bracket ng South District.

Buong suporta ang inihahatid ng Team San Leonardo sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan para sa mga kabataan.

Mayor Froilan Nagaño
Mayor Froilan Nagaño, San Leonardo, Nueva Ecija

Ayon pa sa kanilang coach, nagsisimula pa lang ang kanilang team sa pag-abot ng kanilang pangarap upang maging kampeon sa 1st Governor’s Cup Inter-Town Basketball Tournament ngayong taon.

Pasasalamat naman ang naging pahayag ng buong grupo ng Team San Leonardo sa suportang ibinibigay ng kanilang punong bayan na si Mayor Froilan Nagaño.- Ulat ni Shane Tolentino

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *