Thanksgiving Mass, inihandog ng pamilya Veloso para sa patuloy na suporta kay Mary Jane

Hindi pa rin tapos ang laban para sa kaligtasan ni Mary Jane Veloso yan ang sigaw ng pamilya at  mga taga suporta ni Mary Jane.

Kaya naman kamakailan ay nagsagawa ng meeting at Thanks Giving ang pamilya ni Mary Jane Veloso kasama ang iba’t-ibang mga grupo at mga kababayan na patuloy pa rin ang suporta sa kanilang pamilya lalo pa at hindi pa sigurado na makakauwi si Mary Jane sa kanyang pamilya dahil nakabinbin pa rin ang kaso nito.

Nakiisa sa Thanks Giving Mass at Program ang mga kamag anak at  mamamayan ng Caudillo Migrante International National Union of Peoples Lawyers, Alyansa ng Magbubukid ng Gitnang Luzon Nueva Ecija, Representative mula sa Martyr, Rural Missionaries of the Philippines Nueva Ecija at maging mga foreigner mula sa Swtizerland at Estados Unidos ay nagpakita ng suporta at patuloy na umaasa na isang araw ay tuluyan nang mapapawalang sala si Mary Jane mula sa kasong nakasampa dito mula sa Indonesia.

Ipinakita rin ng mga kabataan, na sila man ay may malasakit hindi lamang para kay Mary Jane kundi sa lahat ng OFW sa buong mundo na nahaharap sa ibat ibang hamon ng pangingibang bansa. Isa na dito si Anjo, kung saan malapit sa kanyang kalooban ang ganitong usapin. Isang kabataan na nag-aaral bilang isang estudyanteng grade seven pa lamang. Ngunit mulat na sa mga hirap ng buhay at katotohanan sa likod ng pangingibang bansa.

Hindi lamang mga Pilipino ang patuloy na nag-aalala para kay Mary Jane, maging mga dugong banyaga ay nagbibigay ng suporta at pagmamahal para kay Mary Jane.

Hindi man magkababayan o kahit magkakakilala ng personal, mararamdaman ang pagmamahal ng bawat isa para kay Mary Jane

Sa ngayon ay patuloy pa rin nakapiit si Mary Jane Veloso habang hinihintay ang resulta ng kaso nina Cristina Sergio.

 –Ulat ni Amber Salazar

[youtube=http://youtu.be/LGtQ4gUGv28]

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *