Titulo bilang kauna-unahang Mutya ng Aliaga, nasungkit ng pambato ng Barangay Sta. Monica

Nasungkit ng pambato ng Barangay Sta. Monica na si Precious Gioketo ang titulo bilang kauna-unahang Mutya ng Aliga 2018. 

Naiuwi ni Candidate Number 5, Precious Gioketo ng Barangay Sta. Monica ang korona bilang kauna-unahang Mutya ng Aliaga 2018.

Itinanghal namang 4th runner up si candidate number 7 Joanne Averilla ng Barangay Poblacion Centro, 3rd runner up si candidate number 14 may Anne Vitriolo ng Barangay Bibiclat, 2nd runner up si candidate number 1 Airish Diwa ng Barangay Bucot at 1st runner up naman si Candidate number 10 Jade Gonzales ng Barangay San Felipe Bata.

Mula sa labing limang mga kandidata na rumampa suot ang kanilang Casual Attire, Swimwear at Long Gown ay nangibabaw ang top 5 winners.

Samantala, napagwagian naman ni candidate number 13 ang Best in Hair and Make–up, Best in Casual Abest in Swimsuit at Best in long gown.

Best in Talent naman si candidate number 4, Best in Production number si candidate number 14 Miss Photogenic si candidate number 1.

Ang limang nakoronahan ay nakatanggap ng Tropeyo, Sash, Crown, Bouquet, at Cash Prize.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika isang daan at anim na put siyam na taon ng kapistahan ng Mahal na Patroon Nuestra Señiora De Saleras. –Ulat ni Phia Sagat

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *