Top 9 Most Wanted sa Laur, arestado; sunog na bangkay ng lalaki, natagpuan sa Sta. Rosa

Arestado ang Top 9 Most Wanted Person sa bayan ng Laur sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Project 4, Quezon City noong November 17, 2019.

Kinilala ang suspek na si Christian de Jesus alyas Ureg, 21 years old, binata, residente ng barangay Sagana, Laur.

Base sa report ng pulisya, nang ihain sa suspek ang Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Emelita Miranda-Portillo ng Family Court, Third Judicial Region, Branch 7 ng Palayan City para sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 ng Revised Penal Code na may rekomendadong pyansang Php36,000.00.

Pansamantalang nasa idinetine sa Laur Police Station ang suspek.

Samantala, isang sunog na bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa palayan sa barangay Rajal Centro, Sta. Rosa noong November 17, 2019.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakikilala ang biktimang may taas na 5 feet at 4 inches, nasa edad 40 to 45 years old, katamtaman ang pangangatawan at may Polynesian tattoo sa kaliwang binti.- ulat ni Clariza de Guzman.

https://youtu.be/2YuMTsYq8vA


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *