Trabaho ngayong Enero, hatid ng PESO-Nueva Ecija

Magandang balita para sa mga naghahanap ng trabaho ngayong enero dahil magsasagawa ng One Day Process Job Fair sa darating na January 29, ang Public Employment Service Office o PESO para sa mga gustong mag call center agents.

Bukas ang tanggapan ng PESO Office mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

PESO Office Nueva Ecija, inaanyayahan ang mga nagnanais
mag trabaho bilang call center agents

Inimbitahan naman ni Luisa Pangilinan PESO Manager, Cabanatuan ang mga job seekers o newly graduate na lumahok sa nasabing programa, aniya walang limit rin ang mga maaring mag-apply dahil mas maganda raw kung marami ang partisipante.

Hindi lamang mga graduate ng kolehiyo ang maaring  mag-apply hinihikayat rin ang mga High School Graduate na 18 years old pataas at with good communication skills.

Layunin nito na matulungan ang mga Novo Ecijanong naghahanap ng permanenteng trabaho.

Para sa mga nagnanais na makapag apply ay magtungo lang kayo sa PESO Office Cabanatuan City at dalhin lamang ng inyong mga resume o personal data sheet, ID at 2 by 2 picture.

Ito ay isa lamang sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa tulong at suporta ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Matias Umali sa mga nangangailangan ng trabaho. Ulat ni Myrrh Guevarra


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *