Trabaho para sa mga nurse at nasa medical field, alok ng PGNE sa Sept. 19

Inaanyayahan ng Nueva Ecija Provincial Public Employment Service Office (PESO) ang mga job seekers sa medical field na  magtungo sa kanilang Local Recruitment Activity (LRA) na gaganapin sa Old Capitol, Cabanatuan City, sa September 19, 2019.

Ayon kay PESO Manager Maria Luisa Pangilinan, ang LRA ay sa pakikipagtulungan ng kumpanyang The Medical City sa Clark, Pampanga.

Ang mga bakanteng posisyon ay ang mga sumusunod: staff nurse, company nurse, medical technologists, radiologic technologists, respiratory therapists, pharmacists, cardiovascular technologists, nursing assistants/caregivers.

Bukas rin ang iba pang mga posisyon kagaya ng accounting staff/admin clerks, marketing/area sales staff, international patient staff/, executive check-up coordinator.

Magsisimula ang job interview ng alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Magsuot ng business attire at magdala ng updated resume, Transcript of Records, diploma at PRC license.

Ang gaganaping LRA ay isa lamang sa regular na aktibidad ng Provincial PESO upang matulungan na mabigyan ng maayos na trabaho ang mga kalalawigang Novo Ecijano. – Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *