Travel Agency, Nilooban; Driver, Binoga ng Tandem sa Drag Racing

Niloooban ng mga hindi nakilalang kawatan ang Upright Travel and Tours na matatagpuan sa barangay Quezon District, lungsod ng Cabanatuan.

Kinilala ang may-ari ng travel agency na si Rosemarie Tadique.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, napasok ng mga hindi nakilalang suspek ang agency matapos sirain ang door knob ng pintuan sa harapan ng opisina.

Tinangay ng mga kawatan ang Php 5, 000.00 na cash at apat na cellphones.

Binaril ng dalawang armadong kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo ang isang driver habang nanood umano ng drag racing sa kahabaan ng San Antonio-Zaragoza provincial road sa Barangay San Francisco, bayan ng San Antonio.

Isinugod sa ospital ang biktimang tinamaan sa leeg na si Jerry Mangulabnan y Sanchez, trenta’y sais, may asawa, residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas nueve trenta ng gabi, habang hinihintay ng biktima kasama ng kanyang mga kaibigan ang pagsisimula ng karera ng dumating ang dalawang suspek na naka-helmet at nagpanggap na tataya.

Makaraan ang ilang sandali ng pag-oobserba ay bigla na lamang pinaputukan ng mga suspek ang biktima.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang basyo ng kaha ng kalibre kwarenta’y singko.- Ulat ni Clariza de Guzman

[youtube=http://youtu.be/qrAUOF4wJ1E]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *