Tricycle driver, tinagpas sa leeg; Arkitekto, nabiktima ng Akyat-Bahay; 3 hinihinalang drug dealers, patay sa sagupaan vs mga pulis

    Halos mapugutan ng ulo ang isang tricycle driver na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa pagitan ng Garcia at Diaz Street sa barangay Aduas Centro, Cabanatuan City.

     Nakilala ang biktimang si Jimbo Ponce y Cauyao, 30-anyos, may asawa, at residente ng Purok 2, barangay Vijandre ng naturang lungsod.

Tinagpas sa lee gang 30-anyos na si Jimbo Ponce na bangkay nang natagpuan sa brgy. Aduas Centro, Cabanatauan City.
Tinagpas sa lee gang 30-anyos na si Jimbo Ponce na bangkay nang natagpuan sa brgy. Aduas Centro, Cabanatauan City.

     Base sa report ng Cabanatuan Police Station, dakong alas sais trenta ng umaga nang madiskubre ni Germinio Guinto, miyembro ng Barangay Peace Action Team ang bangkay ng biktima.

     Nakadapa ito sa damuhan, nakagapos ng electrical wire ang kamay sa likod, habang nakatali naman ng scotch tape ang mga paa nito.

     Samantala, nabiktima ng kilabot na Akyat-Bahay gang ang isang arkitekto matapos atakehin ng mga ito ang inuupahang apartment at service vehicle nito sa barangay Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

     Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, 2:50 ng madaling araw nang baklasin ng mga suspek  ang steel grill na humaharang sa sliding window sa unang palapag ng Door 11 Saint Joseph Apartment na inuokopahan ni Dalebert Cuanico y Santarinala.

     Nakulimbat ng mga magnanakaw sa paupahang unit ang isang 40 inches LED Sony flat screen TV na worth Php 45,000.00, isang HP laptop na nagkakahalaga ng Php 65,000.00, Php 1,000.00 na halaga ng mga barya, isang USB, at assorted floor plans.

Ang service vehicle ni Arch. Dalebert Cuanico sa harap ng kanyang apartment sa Kap. Pepe Subd.
Ang service vehicle ni Arch. Dalebert Cuanico sa harap ng kanyang apartment sa Kap. Pepe Subd.

    Ang service vehicle ni Arch. Dalebert Cuanico sa harap ng kanyang apartment sa Kap. Pepe Subd.

     Pinasok din ng mga suspek ang service ng biktima isang Toyota Vios na nakaparada sa harap ng apartment at nakuha sa loob ang kanyang hand bag na naglalaman ng Sony Digital camera na worth Php 40, 000.00, Timex at Certina wristwatch na halagang Php 40,000.00, leather wallet, kasama ang PRC License card, SSS ID, Driver’s License, dalawang ATM cards, mga resibo, at Php 20, 000.00 na pera.

    San Jose City- napatay  ang tatlong hinihinalang drug dealers sa pakikipag-sagupaan sa mga pulis na nakaposte sa checkpoint sa Sitio Tumana, barangay Palistina.

Napatay sa engkwentro ng mga pulis ang 3 drug dealers nang magtangkang umiwas sa checkpoint sa Palestina, San Jose City.
Napatay sa engkwentro ng mga pulis ang 3 drug dealers nang magtangkang umiwas sa checkpoint sa Palestina, San Jose City.

Sa ulat ng otoridad, nakilala ang mga napaslang na sina Salman Macapundag y Mamoncan, disinueve anyos, binata, residente ng barangay Baclaran, Parañaque City; Ariel Sambrano y Samonte, 51, ng Junji Street, Rolling Haus, Novaliches, Quezon City; at Fernando Padilla alias Pandong, tubong Santiago, Isabela.

     Napag-alaman na bago naganap ang insidente, nakatanggap ng impormasyon si Police Superintendent Reynaldo dela Cruz ng San Jose Police Station ukol sa kulay puting kotse na may plate number TBB 733 galing Metro Manila sakay ang tatlong katao na nakatakdang mag-deliver ng illegal na droga.

Isang impormasyon ang natanggap ng San Jose Police Station ukol sa isang kotse sakay sina Salman Macapundag, Ariel Sambrano, at Fernando Padilla na nakatakdang mag-deliver umano ng illegal na droga
Isang impormasyon ang natanggap ng San Jose Police Station ukol sa isang kotse sakay sina Salman Macapundag, Ariel Sambrano, at Fernando Padilla na nakatakdang mag-deliver umano ng illegal na droga

    Dahil dito ay kaagad na naglagay ng checkpoint ang mga pulis, madaling araw nang mapadaan ang target na sasakyan na nagtangkang umiwas kaya hinabol ng mga otoridad na nag-resulta sa barilan ng magkabilang panig.

    Narekober ng SOCO sa crime scene ang walong basyo ng bala ng caliber 5.56, tatlong basyo ng caliber 9mm, siyam na basyo ng bala ng kalibre kwarenta’y singko, at nakuha mula sa kotse ng mga suspek ang isang caliber .38 revolver, isang .45 baril, isang mahabang baril na kinonvert sa caliber 22, dalawang dalawang plastic na naglalaman ng pinagsususpetsahang shabu na tumitimbang sa 200 grams at pumapatak sa halagang kalahating milyong piso, drug paraphernalia, tatlong cellphones, at isang palaka ng sasakyan.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *