TUESDAY CLUB, BALIK KAMPEON SA IKALAWANG INTER CLUB BASKETBALL LEAGUE

   Nag uwi muli ng panalo ang dating kampeon na Tuesday Club sa finale ng ikalawang Interclub Basketball League noong December 23. 2016.

Tuesday Club worth it ang pagod, dahil balik kampeon sila sa naganap na Inter Club Basketball League
Tuesday Club worth it ang pagod, dahil balik kampeon sila sa naganap na Inter Club Basketball League

  Sa first quarter pa lamang ng laro ay hindi na binitawan ng Tuesday Club team ang malaking kalamangan sa After Six Am hanggang sa second quarter ay lamang parin ng 3 puntos ang Tuesday sa Score na 25-22.

  Sa simula ng 3rd quarter ay naging matindi ang labanan kung saan sinikap na mahumabol ang After Six Am at nag tabla sa Score na 40.

  Ngunit sa pag tuntong ng 4rth quarter ay gitgitan ang laban ng dalawang koponan at kaliwat-kanan  ang naging depensa ng bawat grupo, sa huli ay tinalo ng Tuesday  club team ang grupo ng After Six Am sa Score na 86-80.

  Pinangunahan ni Vice Mayor Doc Anthony Umali ang pag-bibigay ngTtropeyo at Cash kung saan nag 3rd Place ang After Six Pm, Second Placer naman ang After Six Am at 1st Place ang Tuesday Club, may Consolation Price din ang mga nakiisa sa naturang laro.

   Naging maganda ang pagbungad ng bagong taon sa muling pagkapanalo ng grupo.

  Nag papasalamat si Jayvee Ferrerio, miyembero ng Tuesday Club, sa ina ng lalawigan Governor Cherry Umali, First Gentelman Oyie Matias Umali at kay Vice Mayor Doc. Anthony Umali sa walang sawang pag suporta sa mga Novo Ecijano.

  Ayon kay Vice Mayor Doc. Anthony Umali, tuloy-tuloy ang pag suporta niya sa lahat ng Basketball Tournament dito sa lalawigan ng Nueva Ecija.

  Dagdag ni Vice Mayor Umali, layunin nito ay makadiscover ng mga magagaling na manlalaro sa larangan ng basketball na maaring maging Pba Player sa susunod na henerasyon.

  Nagbigay din ito ng mensahe para sa mga kabataang manlalaro na magpatuloy lamang sa pakikiisa sa ganitong uri ng mga palaro na inihahandog para sa kanila. -Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *