TUESDAY CLUB, NAIUWI ANG KAMPEONATO SA KAUNA-UNAHANG INTER-CLUB BASKETBALL TOURNAMENT

Close fight ang naging labanan sa pagitan ng Tuesday Club at Thursday Club sa championship game ng kauna-unahang Inter-Club Basketball Tournament na pinangunahan ni dating Board Member Doc Anthony Matias Umali.

Gitgitan na ang labanan sa unang bahagi pa lamang ng laro, kung saan sa last quarter ay tumabla sa 81 ang score ng magkatunggaling team habang ilang segundo na lamang ang natitira.

Sa huling apat na segundo ng last quarter ay tumira ng tres si Jag Cabarubias na tumapos sa laro sa score na 81-84, pabor sa kinabibilangan nitong team na Tuesday Club.

Tinanghal na mvp o most valuable player si Cabarubias dahil sa ipinamalas nitong laro, na nakapagtala ng 21 points noong finals.

Labing-anim na teams ang lumahok sa naturang palaro, na naglalayong mapanatili at mapalakas ang camaraderie o samahan ng bawat club na kinabibilangan ng mga kalahok.

TUESDAY CLUB, NAG-UWI NG TROPEO AT P 20, 000 CASH PRIZE SA KAUNA-UNAHANG DOC ANTHONY UMALI INTER CLUB TOURNAMENT
TUESDAY CLUB, NAG-UWI NG TROPEO AT P 20, 000 CASH PRIZE SA KAUNA-UNAHANG DOC ANTHONY UMALI INTER CLUB TOURNAMENT

Nag-uwi ng tropeo at 20 thousand pesos na cash prize ang Tuesday Club, habang ang nakatunggali nitong Thursday Club na nakakuha ng ikalawang pwesto ay nag-uwi ng 10 thousand pesos na cash prize.

Nakuha naman ng Dribblers Club ang ikatlong pwesto na nag-uwi ng 6 thousand pesos na cash prize, at ang Aftersix Club na nakakuha ng ikaapat na pwesto ay nag-uwi ng 4 thousand pesos na cash prize.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *