Tulak ng droga sa Laur nanlaban umano sa mga pulis, patay

Patay ang isang tulak ng droga na nanlaban umano sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa barangay Pinagbayan, Laur noong June 29, 2019.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Olango y Solita alyas Nono, residente ng Burgos Extension, barangay Sangitan East, Cabanatuan City.

Ayon sa ulat ng Laur Police Station, dakong alas singko ng madaling araw, naramdaman ng suspek na  mga otoridad ang katransaksyon kaya pinaputukan ang mga ito ngunit nagmintis.

Kaagad namang dumepensa at gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan si Olango na ikinamatay nito.

Nakuha mula sa suspek isang caliber 9mm pistol na may apat na bala at isang magazine, isang basyo ng bala para sa nasabing baril, tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang Samsung Cellphone at perang nagkakahalaga ng Php240.00.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng 9mm, isang five hundred peso bill na ginamit bilang marked money at isang kulay itim na Kawasaki Bajaj CT100 tricycle.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *