Tulak ng shabu, patay sa buy-bust sa Gabaldon

Patay ang isang diumano’y pusher ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation ng Gabaldon Police Station sa Sitio Bateria, barangay Bagting Gabaldon.

Kinilala ang suspek na si Noelito Flores y Balmeyo alyas Jon-Jon at residente ng barangay Imelda, Cabanatuan City.

Natunugan umano ng suspek na si alyas Jon-Jon na pulis ang katransaksyon kaya binaril nya ito.

Base sa report ng pulisya, bandang alas dos ng madaling araw noong June 2, 2019, nakatunog umano ang suspek na pulis ang binebentahan nito ng droga kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang katransaksyon ngunit nagmintis ito.

Kaagad namang gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan si alyas Jon-Jon na nagresulta sa kagyat nitong kamatayan.

Narekober ng SOCO o Scene of the Crime Operatives ang isang caliber .38 revolver, dalawang basyo ng bala ng baril, tatlong piraso ng transparent pastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang plastic sachet ng pinagsususpetsahang Marijuana, isang 500 peso bill na marked money, apat na bente pesos at ang tricycle na gamit ng suspek.

Pansamantalang inilagak ang bangkay ng suspek sa North Gate Funeral Homes sa barangay Cuyapa, Gabaldon.- ulat ni Clariza de Guzman

Β 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *