Tulak umano ng droga, nanlaban sa mga pulis sa Llanera, patay; negosyante, binoga sa ulo, kritikal

Patay ang tulak umano ng droga matapos manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa barangay Inanama, Llanera noong August 3, 2019.

Kinilala ang suspek na si Bonifacio Canoy Jr. y Torres, residente ng barangay Camp Tinio, Cabanatuan City.

Nanlaban umano sa pulis ang suspek na si Bonifacio Canoy Jr. na napatay sa buy-bust operation sa bayan ng Llanera.

Base sa report ng Llanera Police Station, 5:00 ng madaling araw, bigla na lamang bumunot ng baril si Canoy at pinaputukan ang katransaksyong pulis ngunit hindi ito tinamaan.

Kaya naman gumanti ng putok ang mga kasamahan nitong operatiba na naging sanhi ng kamatayan ng suspek.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang tricycle, isang caliber .38 revolver, isang selyadong transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, kritikal ang kondisyon ng isang negosyanteng nagpapautang ng pera matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Nagtamo ng mga tama sa ulo ang biktimang si Gregorio Simbulan Jr. y Fajardo, 49 years old ng barangay Rajal, Sta. Rosa.

Nagpanggap umanong bibili ng sigarilyo sa tindahan ang suspek na bumaril sa isang negosyante sa bayan ng Sta. Rosa.

Habang ang gunman ay inilarawang may taas na 5’6 hanggang 5’8, nakasuot ng dark blue T-shirt at black cap.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Rosa Police Station, 12:15 ng tanghali noong August 3, 2019, nagkakape si Simbulan sa tapat ng isang tindahan sa Purok Dos barangay San Pedro nang paputukan ng dalawang beses ng suspek na nagpanggap na bumibili ng sigarilyo.

Tinitignang anggulo ng mga otoridad sa pamamaril sa biktima ang negosyo nito dahil may pautang umano ito na umaabot na sa milyong piso.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *