Tulungan ang mga kabataang nakararanas ng Depresyon, isa sa tututukan ni Bb. Mutya 2018 ng Peñaranda

Isa sa tututukan ni Bb. Mutya 2018 ng Peñaranda na si Moira Maci Abesamis ang tulungan ang mga kabataang nakararanas ng Depresyon 

Hindi inaasahan ni Moira Maci Abesamis na siya ang kokoronahan bilang Mutya ng Peñaranda 2018 dahil ito ang kauna-unahang pagsabak niya sa ganitong uri ng kompetisyon.

Ayon sa kanya bilang mutya ng kanilang bayan nais nitong ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga kabataang mayroong Mental Health Issues.

Sinabi nito na dati na niyang pinagdaanan ang depresyon kaya naman ngayon ay may kakayahan na aniya siyang makapagbigay ng inspirasyon at tulong para sa iba.

Nagpapasalamat naman siya sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

Ayon kay Mayor, Ferdinand “Blueboy” Abesamis ang pagiging Ambassadress ng bayan ng Peñaranda ang pinakamagandang award na natanggap ng dalaga.

Nakamit naman ni Sidra Legaspi ng Barangay Sto Niño ang 4rth runner up, 3rd rinner up naman si Jean Razzhiel Bayson ng Barangay San Mariano, 2nd runner up si Charllotte Salazar ng Barangay Poblacion 4, at 1st  runner up si Patricia Del Pozo ng Barangay Sto. Tomas.

Ang mga nagwagi ay nakapag uwi ng tropeyo, sash, cash prize bulaklak, at korona.

May ilang Special awards din tulad ng Miss Friendship na nasungkit ni candidate number 10, Miss Professional, Miss Body Beautiful at Best in Swimwear si candidate number 7, Best in Prodution Number at Miss Talent si candidate number 3, Miss Flawless si candidate number 1, Best in Long Gowm naman si candidate number 8 at Miss Photogenic si candidate number 11.

Ang Mutya ng Peñaranda ay nagsimula pa noong 1998 hanggang sa ngayon.

At ang nagwagi bilang Mutya ng Peñaranda 2018 ay magiging pambato ng kanilang bayan para sa Bb. Nueva ecija. -Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *