Unang araw ng Mass Enrollment, dinagsa

Mas pinili ni Marca na magparehistro sa unang araw ng Mass Enrollment. Anya, magandang mas maaga siyang makapagparehistro dahil sa dami ng mga estudyanteng makakasabay niya.

Inaasahan na aabot sa Isang libo at Walong daang mag-aaral na galing sa Grade 7 ang magpapatala ngayong pasukan sa NEHS o Nueva Ecija High School.

Ayon kay Monica Mallari, Principal ng NEHS mahigpit pa din ipinapatupad sa eskwelahan ang “No collection policy” na pinapairal sa mga pampublikong paaralan sa mga nag-e-enroll na mga bata.

Inihayag din ni Mallari na handa ang eskwelahan sa dami ng bilang ng mga papasok na estudyante ngayong taon. Lalo na nitong school year ipatutupad ang Basic Education Program o K-12.

Anya, maganda ang naturang programa. Lalo na umano kung susuportahan at mag tutulungan ang bawat isa.

Isang panawagan naman ang binitawan ni Mallari, para sa mga tutol sa K-12. Lalo na at kabi-kabila ang bumabatikos ngayon dito. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *