Unang taon ng pagkamatay ni Rev. Fr. Nilo, ginunita ng mga Novo Ecijanong Katoliko

Isang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang brutal na pagpaslang KayReverend Father. Richmond Villaflor Nilo sa isang kapilya bago  magsimulang magmisa sa Barangay Mayamot, Zaragoza. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang pamilya ni Fr. Nilo ng hustisya para sa katarungan at kapayapaan ng kaniyang kaluluwa.

Ayon kay Father Eliezer Malubag, kasalukuyang nakatalagang pari ng San Vicente Ferrer  sa bayan ng Zargoza, ang pag-alala ay sumisimbolo ng pagpapasalamat kay Fr. Nilo sa mga ginawa nito sa simbahan maging sa iniwan nitong magandang legacy sa bayan ng Zaragoza.

Dagdag pa nito, ang pagdanak umano ng dugo ng paring martir ay nagbunga ng masaganang biyaya ng Espiritu sa simbahan dahilan kaya nanumbalik ang mananampalataya sa Zaragoza dahil muling napukaw at nahipo ang puso ng mga parokyano.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *