Unggoy sa Pilipinas na pinag hinalaang may Ebola, nag positibo sa Ebola Reston Virus

Positibo sa Ebola Reston Virus ang mga unggoy na naka-quarantine sa isang pasilidad sa loob ng bansa ito ang ibinalita ng Department of Health kamakailan na ikinatakot ng marami.

Agad namang nag labas ng pahayag ang DOH bago pa man mag panic ang mga tao dahil sa balitang ito.

DOH Secretary  Janette P. Loreto-Garin
DOH Secretary Janette P. Loreto-Garin

“Maraming klase ng Ebola. Merong Ebola na grabe ang epekto sa hayop nguni’t hindi naapektuhan ang tao. This is a possible case of Ebola Reston. Ito ang pinakamabait na Ebola Virus sa tao,”

Kaya naman hindi umano dapat mag panic ang mga tao dahil hindi ito ang klase ng ebola na kinatatakutan sa West Africa.

EBOLA Virus //Hand out CDC/Reuters
EBOLA Virus //Hand out CDC/Reuters

Sa kasalukuyan ay mayroong ilang  sub type ng ebola

  • Bundibugyo
  • Reston
  • Sudan
  • Taï Forest o ivory coast
  • Zaire
“ naka quarantine ang mga unggoy na nag positibo sa Ebola “-DOH
“ naka quarantine ang mga unggoy na nag positibo sa Ebola “-DOH

Sa katunayan ang ebola reston virus ay walang masamang maidudulot sa kalusugan ng isang tao. Hindi rin umano accessible sa publiko ang nasabing pasilidad kaya malaki ang tsansa na hindi ito makapang hawa sa ibang unggoy at maging sa tao. Upang makasigurado ay sumailalim sa blood test ang dalawamput limang mga tauhan ng pasilidad upang ma kumpirma kung sila ba ay nahawa sa mga kontaminadong mga unggoy.

 

Sinaksakan din ng ERV antibodies gamit ang  ELISA or Enzyme Immunoserbent assay ang mga personnel ng pasilidad. –Balita ni Philip “Dobol P” Piccio

https://youtu.be/_deRU4LdC3A

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *