UNITED CABANATUAN BIKERS, NANGUNA SA 53 KILOMETERS FUN BIKE CHALLENGE NG SPECIAL FORCES REGIMENT AIRBORNE

Nakopo ng dalawang miyembro ng United Cabanatuan Bikers ang first at second place sa 53 kilometers Fun Bike Challenge ng Special Forces Regiment Airborne na ginanap sa loob ng Fort Ramon Magsaysay Military Reservation.

Bahagi ng selebrasyon ng 53rd Founding Anniversary ng Special Forces Regiment ng Philippine Army ang nasabing Fun Bike Challenge na dinaluhan ng isandaan at apatnapo’t pitong bikers mula sa iba’t ibang organisasyon.

Nilakbay ng mga siklista ang mga sementadong kalsada, baku-bakong daan at bulubunduking ruta sa mga barangay ng Pag-asa at Liwayway sa bayan ng Sta. Rosa, barangay Nazareth, Palale, Langka, at Doña Josefa na nasasakop ng lungsod ng Palayan.

Layunin umano ng nasabing aktibidad na ipakita sa publiko ang Fort Magsaysay bilang isang kaakit-akit na lugar para sa pagbibisikleta at iba pang ehersisyo.

Nasungkit ni number 82, Wifredo Cuevo sa ikalawang pagkakataon ang unang pwesto sa oras na one hour and forty-six minutes, kasunod si number 86, Erwin Gabriel sa oras na one hour and forty-nine minutes, kapwa miyembro ng United Cabanatuan Bikers.

Nakuha naman ni Private First Class Rocky Ramos mula sa AABn, MID ang ikatlong pwesto sa oras na one hour and fifty-three minutes.- Ulat ni Clariza De Guzman

[youtube=http://youtu.be/dviJxLkFFmw]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *