UPDATE SA KASO NI MARY JANE, TINALAKAY SA PAGPUPULONG NA GINAWA SA ST. NICHOLAS CATHEDRAL

Patuloy pa ring inaantay ng Indonesian Government ang verdict sa kaso ni Christina Sergio, yan ang ipinahayag ng mga abogado ni Mary Jane mula sa National Union of Peoples Lawyers kung saan nag sampa rin ng charges ang pamilya Veloso.

Lubos ang naging pasasalamat ng pamilya dahil hindi pa rin tumitigil ang ibat ibang grupo sa pag-alalay sa pamilya at pagsubaybay sa kaso ni Mary Jane.

Nagkwento rin ang ama ni Mary Jane Veloso sa buhay ng kanyang anak at kung bakit ito napilitan mangibang bansa.

Lagi mang bigo sa pag-aabroad maging ang kanyang ina at mga kapatid hndi umano napigil si Mary Jane na bumuo ng pangarap na makaahon sa hirap ang kanyang pamilya.

Patuloy pa rin ang suporta ng migrante habang hindi pa natatapos ang kaso ni Mary Jane.- Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *