Valentine’s Service Menu Specials, handog ng Nails.Glow Nails and Body Spa

  Ang Nails.Glow Nails and Body Spa ay pagmamay-ari ng isang dalawampu’t tatlong taong gulang na si Roselle Mica Talens AB Psychology student ng Wesleyan University Philippines.

  Tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas ng buksan ni Miss Mica ang Branch ng Nails.Glow sa Cabanatuan City.

  Dahil sa nalalapit na ang Valentine’s Day may pa-promo ang Nails.Glow Nails and Body Spa nga couple o single man, tulad ng Swedish (1hour  full body massage) with free tea para sa mga single, Siatswe (1hour  full body massage) with free tea para naman sa mga In a relationship at Swedish at Ventosa ( good for 2 1hour full body massage) with free tea para naman sa mga couple o mag-asawa na may kasamang romantic room set up, souvenirs at masarap na inumin.

  Bukod sa mga promong ito maaari ring ma-enjoy ang iba pa nilang serbisyo gaya ng Hand or Foot Care, Hand Spa with Manicure, Foot Spa with Pedicure, Hand Paraffin with Hand Spa and Manicure, Foot Paraffin with Foot Spa and Pedicure, Gel Polish, Nail art, Nail Extensions, Eyelash Extension (human hair or mascara type), Eyelash Perming, Facial, Body Scrub, Body Bleaching, Massage, Waxing and Threading at Ear Candling.

  Ayon kay Miss Mica, kailangan ng isang tao na bigyan ng oras ang sarili upang magpahinga at maiwasan ang pagod sa pamamagitan ng pagpapamasahe at pagpapa-spa.

  Dagdag pa nito, hindi lang dapat ang katawan ang bigyan ng pansin kapag nagpupunta sa Spa, dapat ding alagaang mabuti ang ating mga paa at kuko.

  Maliban sa iba’t ibang promo buwan-buwan, nagbibigay din ng 20% discounts sa mga Senior Citizens at Person with Disability ang Nails.Glow Nails and Body Spa.

  May ini-offer din na membership card para sa mga customers na tinatawag nilang Glow Card o five in one card, na maaari mong makuha kung makaka-avail ka ng halagang isang libong piso sa kanilang mga services.

  Tumatanggap din sila ng Spa Party tulad ng Bridal shower Spa Party at Birthday Spa Party na may kalakip na mga Design sa Spa, pagkain at inumin depende sa gusto ng kliyente.

  Para sa mga nais maranasan ang magandang benepisyo ng kanilang mga serbisyo, maaari nyong  bisitahin ang Nails.Glow Nails and Body Spa,Lunes hanggang Linggo, mula alas dose ng tanghali hanggang alas dose ng hating-gabi na matatagpuan  sa 2nd Floor ng  R.D Talens Building Maharlika Highway, Zulueta Branch, Poblacion, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *