VALLEY BREEZE RESORT, DAGDAG ATRAKSYON SA BAYAN NG GABALDON

Kilala ang bayan ng Gabaldon sa mayamang kultura, magagandang tanawin, ilog at resorts na dinarayo ng marami nating mga kababayan lalo na tuwing ganitong mga panahon.

Kabilang na dito ang Dupinga River, Gabaldon falls, Stone 8 resort at marami pang iba.

Ngayon, mas titindi pa umano ang iyong pagnanais makapunta sa Gabaldon dahil sa isa nanamang dagdag atraksyon para sa mga bakasyonista at turista, ang Valley Breeze Resort na matatagpuan sa paananan ng Siera Madre Mountain sa brgy. Malinao, Gabal don, Nueva Ecija.

Ang valley breeze resort ay may lawak na 3.3 hectares, at kabilang sa mga makikita rito ang 2 pool, slide, fish pond at mga kubong maaaring matulugan at pwedeng pangbuong pamilya.

Isa nga ang villa na ito sa mga ipinagmamalaki ng Valley Breeze na bukod sa maaliwalas ay aircondioner pa.

Sadyang natatangi nga raw ang resort na ito dahil sa napakagandang tanawin ng bundok ng Siera Madre na talaga namang makapagpapawi sa iyong stress.- Ulat ni Mary Joy Perez


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *