Ver’s Sunflower Farm sa Brgy. Talipapa, dinarayo sa Cabanatuan City

Para sa mga naghahanap ng picture-perfect at instagramable na pasyalan, patok na patok ngayon ang Ver’s Sunflower Farm na matatagpuan sa Brgy. Talipapa, Cabanatuan City.

Ayon kay Virgilio Laganzon, may-ari ng Ver’s Sunflower Farm, nitong February 14, 2019 lang niya binuksan sa publiko ang kanyang bakuran at natutuwa siya dahil hindi niya inakala na papatok ito sa mga turista.

Umaabot sa 100 – 150 katao ang pumupunta sa kanilang farm bawat araw, masilayan lang ang makukulay at nagtataasang mga sunflower.

Ilan sa aming mga naabutan na bumibisita sa farm ay natuwa dahil sa ganda ng mga sunflower at talaga namang picture-perfect ang mga ito.

Ang sunflower farm na ito ay may lawak na isang ektarya at bukas sa lahat ng nais na makita at ma-experience ang relaxing view nito sa halagang P30 bawat isa, 7 years old and above.

Bukod sa viewing ay pwede rin na mamitas ng sunflower sa nasabing farm sa halagang P50 lang bawat bulaklak at pwede ring magpa-arrange ng sunflower bouquet sa halagang P500 – P2,000.

Kaya kung ang hanap mo ay  mapapasyalan ngayong weekend na hassle-free puntahan, dito ka na sa Ver’s Sunflower Farm na 10-15mins away lang galing ng Cabanatuan City Terminal. –Ulat ni Jessa Dizon


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *