Vlogging community sa Pilipinas, nagluluksa sa pagpanaw ni Lloyd Cadena

Nagluluksa ang vlogging community sa Pilipinas, magmula nang pumanaw ang bente sais-anyos vlogger na si Lloyd Cadena.

Sa pahayag ng pamilya ni Lloyd na inilabas ng GMA-News noong September 8, 2020 na-confine ito sa ospital noong september 1 dahil sa mataas na lagnat at tuyong ubo.

September 3 ng lumabas ang resulta ng swab test nito kung saan ay nakumpirmang positibo ito sa COVID-19.

Sumunod na araw alas-singko ng madaling araw noong September 4 nang tuluyan itong binawian ng buhay.

Bukod sa kaniyang mga fans marami rin sa mga celebrity at vloggers ang nag-paabot ng pakikiramay sa Cadena Family.

Hindi umano nila makakalimutan ang kasiyahang naibahagi nito lalo na sa kaniyang mahigit walong milyong subscribers at followers sa youtube na laging nag-aabang sa kaniyang mga pakulo na ngayon ay isa na lamang ala-ala na iniwan sa kaniyang pamilya at mga taga-suporta.

Ayon sa google, mayroong dalawang option ang pwedeng mangyari sa account ng youtube user na pumanaw na; una rito ay ang pagsunod ng google sa plano ng creator na ginawa nito o gusto nitong mangyari sa kaniyang account bago ito mamatay at pangalawa naman ay maaaring makipag-ugnayan ang google sa mga naulilang pamilya ng creator para isara ang youtube channel na ito.

Samantala, maaari namang mag-request ang mga naulila nito para sa pondo at data mula sa youtube account ng namatay na creator.

Sa kasalakuyan ay iniuwi na ang abo ni Lloyd Café Cadena sa kanilang tahanan sa Cavite.

Si Lloyd Cadena ay kilalang isa sa mga nangungunang vlogger sa bansa na nagsimulang pasukin ang paggawa ng video noong taong 2011.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *