WALK FOR A CAUSE NG NEUST SAN ISIDRO CAMPUS, NAG BIGAY NG SCHOLARSHIP SA 15 ESTUDYANTE

Nueva Ecija University Of Science And Technology (NEUST) San Isidro Campus.
Nueva Ecija University Of Science And Technology (NEUST) San Isidro Campus.

   Pinagkalooban ang labing limang estudyante ng NEUST San Isidro Campus ng one semester scholarship sa pamamagitan ng Walk For A Cause project ng Faculty And Employees Club (FAEC) na dinaluhan din ng mga sponsor ng proyekto.

Umabot sa humigit kumulang 1 libong estudyante ang nakilahok sa walk for a cause ng NEUST San Isidro Campus.
Umabot sa humigit kumulang 1 libong estudyante ang nakilahok sa walk for a cause ng NEUST San Isidro Campus.

   Nasa limangpung estudyante ang kwalipikado para sa 1 semester scholarship ng walk for a cause at labing lima dito ang nabigyan ng scholarship .

   Naging masusi ang pag pili sa mga studyante na magpapasa ng application. Ibinukas ang Scholarship na ito sa mga estudyante na may mataas na grado at kapos sa pinansyal na pangangailangan.

Mga napiling estudyante para sa 1 semester scholarship
Mga napiling estudyante para sa 1 semester scholarship

   Naging emosyonal ang ilang scholar ng matawag ang kanilang pangalan  dahil na rin sa laki ng maitutulong ng full scholarship na ito sa kanilang pag aaral.

   Para naman kay Jethro isang graduating student, ito ang kanyang pinaka unang scholarship na natanggap kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa NEUST at maging sa mga sponsors

   Lubos din ang galak ng mga sponsor ng event  at nanawagan din sa mga may mabubuting kalooban na tumulong sa mga estudyante na pag aasa ng bayan.

WALK FOR A CAUSE NG NEUST SAN ISIDRO CAMPUS, NAG BIGAY NG SCHOLARSHIP SA 15 ESTUDYANTE

   Nag iwan din ng mensahe si Jethro, isa sa mga scholars para sa mga kabataan na may sapat na salapi upang makapag aral. Aniya kailangan pahalagahan ng mga estudyante ang pagkakataon na makapag aral dahil isa itong mahalagang susi sa tagumpay. Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *