Wanted, todas sa drug raid; Kagawad nasa drug watch list, pinagbabaril

Pinaputukan umano ni Rosendo Sagun ang mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay sa San Juan, Aliaga ngunit nag-jam ang baril kaya gumanti ang mga awtoridad na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.
Pinaputukan umano ni Rosendo Sagun ang mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay sa San Juan, Aliaga ngunit nag-jam ang baril kaya gumanti ang mga awtoridad na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.

     Todas ang isang pinaghahanap ng batas matapos makipagbarilan sa mga awtoridad na naghain ng search warrant sa kanyang bahay sa barangay San Juan, bayan ng Aliaga.

     Kinilala ng Aliaga Police Station si Rosendo Sagun y Bernardo, Number 10 sa Lambat Sibat Target List, na kaagad na namatay dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.

     Ayon sa report ng pulisya, 5:00 ng madaling araw nang isilbi ng mga pulis ang search warrant kay Sagun na inisyu ni Judge Ana Marie Viterbo ng RTC Branch 24, Cabanatuan City ngunit bigla na lamang umano itong kumuha ng baril sa kwarto at pinaputukan ang mga awtoridad subalit pumalya umano ito na naging dahilan ng pagganti ng putok ng mga pulis na ikinamatay nito.

     Makaraan ang insidente ay ipinagpatuloy ng mga awtoridad ang paghahalughog sa tahanan kasama ang dalawang Barangay Officials, isang media representative, at kapatid ni Sagun. Nasamsam ng mga pulis ang isang selyadong maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at limang bala ng Calibre 5.56mm.

Ang kahaban ng Maharlika Hi-way sa brgy. Diversion, San Leonardo kung saan pinagtangkaang  patayin si Manuelito Siwa Jr., Number 6 sa Drug Watch List ng pulisya.
Ang kahaban ng Maharlika Hi-way sa brgy. Diversion, San Leonardo kung saan pinagtangkaang
patayin si Manuelito Siwa Jr., Number 6 sa Drug Watch List ng pulisya.

     San Leonardo- nakaligtas sa tangkang pagpatay ang isang kagawad matapos tambangan at pagbabarilin sa Maharlika Highway, barangay Diversion.

     Napag-alamang Number 6 sa Drug Watch List ng San Leonardo Police Station ang biktimang si Manuelito Siwa Jr. y Aguirre, 32-anyos, binata, at residente ng barangay Nieves ng naturang bayan.

     Base sa imbestigasyon, 10;50 ng gabi, sakay ng minamanehong metallic silver Toyota Camry si Siwa kasama ang negosyanteng si Catherine Madrid nang paputukan ng maraming beses ng mga kalalakihang armado ng M16 Armalite Rifle at kalibre kwarenta’y singkong baril.

     Tinamaan sa kanyang likod si Kagawad Siwa na isinugod sa Dr. Gonzalez General Hospital, samantala ang mga suspek ay nakatakas lulan ng hindi pa natutukoy na sasakyan.- ulat ni Clariza de Guzman.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *