Watawat na gawa sa ibat-ibang uri ng kakanin, itinampok ng SM Mega Center sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan noong June 12, ibinida sa Sm Mega Center ang watawat na gawa sa ibat-ibang kakanin tulad ng biko, putong puti at kutsinta.

 Ayon kay Joan Bondoc, Assistant Manager ng nasabing mall, sumisimbulo sa pagkakaisa ng mga Pilipino ang center piece nila ngayong taon.

Pagkatapos ng selebrasyon ay sabay-sabay na pinagsaluhan ng mga dumalo ang center piece.

Ang selebrasyon ay dinaluhan ng mga kawani ng mall at ng ilang kawani ng gobyerno tulad nalang nina Vice Mayor Anthony Umali at Konsehal Nero Mercado.

Sa talumpati ni Vice Mayor Umali, ang tunay na kalayaan ay nararamdaman sa puso’t isipan.

Umabot sa dalawang daan ang nakiisa sa naturang event, suot ang kanilang pormal na kasuotan.

Nagpasalamat din ang mall manager sa lahat ng dumalo sa kanilang natatanging selebrasyon para sa Araw ng Kalayaan.- Ulat ni Phia Sagat


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *