Water Level ng Pantabangan Dam umaabot na sa 212 meters ; posibleng magpapakawala ng tubig sa Nobyembre 2018 – NIA UPRIIS

Umaabot na sa 212 meters ang lebel ng tubig ng Pantabangan dam as of September 10, 2018. Ayon kay Engineer Ernesto Ponce Operations Manager ng NIA UPRIIS kung patuloy na tataas ang tubig sa mga susunod na buwan dahil sa pag-uulan ay posibleng magpakawala ng tubig ang Pantabangan Dam sa Nobyembre.

Paliwanag ni Engineer Ponce, mag-aabiso muna sila, anim na oras bago magbawas ng tubig sa reservoir sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa mga Local government unit at pagbo broadcast sa media. Magpapareceive rin aniya ang NIA ng sulat sa DRRMC sa mga apektadong lugar, upang makapaghanda, pangunahin na ang mga bayan ng Pantabangan, Rizal, Bongabon, Palayan City, General Natividad, Cabanatuan City, Santa Rosa at sa PDRRMC-Nueva Ecija.

May iba’t ibang spilling level umano ang Pantabangan dam, mula May 1 hanggang September 15, 2018 ay nasa 216 meter ito.

Ang Spilling level nito sa September 16 hanggang Oct 15 ay aakyat sa 218 Meters.

Pagdating naman ng October 16 hanggang December, 2018 inaasahang tataas ito sa 221 meters.

Sa prediksyon ng NIA maaaring sumobra sa spilling level ang Pantabangan pagdating ng November 15.

Ginarantiya ng NIA UPRIIS na kung hindi kinakailangan ay hindi magbabawas ng tubig ang Pantabangan dam para na rin sa kapakanan ng mamamayan. Parang imbudo aniya ang Pantabangan dam at sa patuloy na pag taas ng tubig ay mas lumalawak ang sakop nito kaya naman mas mabagal itong tumaas.

Huling nagpakawala ng tubig ang Pantabangan dam noong 2009 dahil sa hagupit ng magkasunod na tropical Depression Ondoy and Pepeng. – ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *