Water level sa Pantabangan Dam, umaakyat na

Inihayag ng NIA-UPRIIS o National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System, na umakyat na sa 179.24 ang kasalukuyang water level ng Pantabangan Dam, matapos itong bumagsak sa 177.5 noong huling linggo ng Abril.

Ayon kay Engr. Reynaldo Puno ng NIA-UPRIIS, kung patuloy na tataas ang tubig sa dam ay inaasahan nilang bago matapos ang buwan ng Hunyo ay maabot na nila ang target na 182 meters na water level.

Malaking tulong umano ang pagbagsak ng ulan nitong nakararaang araw, dahil nakadagdag ito sa inflow ng tubig sa Watershed area ng naturang dam. Mula noong May 9 ang naitalang tubig sa dam ay 179.11. Bahagya itong umakyat sa 179.16 noong May 10, hanggang 179.24 noong May 11.

Nahahati sa dalawa ang pinag-gagamitan ng tubig sa Pantabangan dam, ang Power generator at Irrigation. Ang critical level ng Irrigation ay 171.5 meters at 177 meters naman sa Power generator.

Bagaman hindi maapektuhan ang supply ng tubig sa mga sakahan, ngunit kung bababa ang water level ng dam ay pinangangambahang baka maapektuhan ang generation power sa Luzon grid na pinangangasiwaan ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.

Ayon kay Engr. Puno, kung sakali na hindi madadagdagan ang tubig sa dam ay mapipilitan silang magsagawa ng Cloud Seeding.

Ang pagbaba ng level ng tubig sa Pantabangan dam ay posibleng magdulot ng cut-off sa power generation sa Central Luzon. –Ulat ni Danira Gabriel

[youtube=http://youtu.be/BQqYOAh9Omg]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *