Welcome Park sa Bongabon, bukas na

Pwede ng pasyalan ang Welcome Park sa Baranggay Lusok sa Bayan ng Bongabon na binuksan noong November 26,2018 sa pangunguna ni Mayor Ricardo Padilla.

Sa mensahe ni Mayor Padilla, ang Welcome Park na ito ay gawa sa naipon nilang basura na ginawang brics kaya nabuo  ang magandang  landmark na ito.

Makulay ang bawat letra ng salitang Bongabon na gawa sa kongekretong simento at may dalawang malaking hugis sibuyas na disenyo sa magkabilang gilid ng Welcome Park na sumisimbolo sa pagiging Onion Capital of the Philippines ng nito.

Pagkatapos ng pagbubukas ay sinundan ito ng Unity Walk na pinangunahan ng Local Government Unit, DepEd Heads and Teachers, Pastoral Council, Non-Government Unit at mga estudyante mula sa iba’t ibang Paaralan sa Bongabon mula sa Welcome park ay tumungo sila sa Municipal Hall na kung saan ay idinaos ang pag papailaw sa higanteng Christmas tree at Fireworks Display.

Nagliwanag ang buong paligid ng Municipal Hall ng sabay-sabay na nag-count down ang mga Bongabonians upang pailawin ang higanteng Christmas tree, pagkatapos ay sinundan naman ng isang magandang Fireworks Display.

Ayon kay Mayor Ricardo kaya maganda ang kanilang Christmas tree ay dahil sa pagkakaisa ng kanilang bayan.

Dinarayo din ang Night market sa tapat ng Munisipyo ng Bongabon dahil sa iba’t ibang paninda na mabibili doon tulad ng pagkain, damit at mga sapatos, bukas ang Night market mula ala-singko ng hapon hanggang alas-onse ng gabi.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *