Wesleyan, itinanghal na kampeon sa NECSL Season 8 men’s basketball

Napuno ng hiwayan ang buong gymnasium ng Araullo University sa Game 3 ng best of 3 finals ng men’s basketball ng NECSL Season 8 sa pagitan ng Wesleyan University Philippines kontra Nueva Ecija University of Science and Technology noong Martes, November 19.

Sa unang quarter pa lamang ay umalagwa na ang Team NEUST sa pamamagitan ng 7-0 run. Subalit hindi naman nagpaiwan ang Wesleyan matapos ang magkasunod na lay-up ni Jeremy “Epoy” Ingusan, 7-4 run at sa tulong ni  Lloyd Abesamis ay nailapit ang score sa 12-13, lamang ang NEUST.

Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa 2nd quarter kung saan palitan ng pagpuntos ang dalawang magkaribal na koponan, 29-31 end score sa 1st half, lamang pa rin ang NEUST.

Pagtuntong ng 3rd quarter, naging mabigat na ang depensa ng Phoenix hanggang sa lumamang ito ng 8 puntos 40-32 sa pagtutulungan nina Ericson Balbin at Aezz De Jesus. Sa nalalabing 1:53 seconds, pinatawan ng unsportsmanlike foul si De Jesus ng Phoenix laban kay Perez ng Riders, 48-44 hanggang sa hawak ng Riders ang lamang sa pagtatapos ng quarter, 52-51.

Sa last quarter, mas lalong naging intense ang laban. Sa last 56 seconds, 68 all hawak ng Wesleyan ang momentum hanggang sa nag drive si Abesamis at makakuha ng foul, 73-70. Naipwersa ni Balbin ang overtime sa pamamagitan ng kanyang 3-point shoot sa last 8 seconds, 73 deadlock.

Naging matibay ang opensa at depesa ng Riders sa pagsapit ng overtime na naging susi sa kanilang pagkapanalo kontra Phoenix na nagtapos sa final score na 88-77.

Nanguna sa Game 3 si Jeremy “Epoy” Ingusan na kumamada ng 42 points, 3 rebounds, 5 assists, 3 steals at siyang itinanghal bilang Most Valuable Player at kasama sa 1st mythical 5.

Kabilang rin sina  Emmanuel Manabat ng MVGFC, John Ronald Abergas ng Midway, Aezz De Jesus, at Ericson Balbin ng NEUST.

Pinarangalan din bilang 2nd mythical 5 sina Christian Deroy ng MVGFC, Patrick Gabornes ng Midway, Jeremy James Gallemit, Lloyd Abesamis ng Wesleyan, at Kenneth John Guillermo ng NEUST habang nakamit ni King Walter Rullan ng MVGFC Ambassadors ang Sportsmanhip Award.

Ito na ang ikatlong pagkakataon ng Wesleyan University Philippines Riders na makamit ang kampeonato na huling naangkin noong 2015 na ika-limang season ng NECSL.

Samantala nakamit ng NEUST Phoenix ang 1st runner-up, Midway Vikings ang 2nd runner-up at MVGFC Ambassadors ang 3rd runner-up.- Ulat ni Shane Tolentino


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *