Wesleyan University Philippines, back to back champion sa opening ng NECSL Season 8

Dumagundong ang hiyawan para sa Wesleyan University Philippines Riders sa pagbubukas ng Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 8 matapos   nilang i-uwi ang kampeonato sa Dance Sport at tanghalin ang kanilang pambato na si Giezelle Domingo bilang Miss NECSL Season 8.

Pinaglabanan  ng walong  mga binibini  mula sa Wesleyan, MVGFCI, Midway, NEUST, OLSCHO,ELJ, CRT, CIC at CGCI ang  Miss NECSL.

Miss NECSL Season 8 Giezelle Domingo  WU-P

Kung saan tinanghal na Miss NECSL Season 8 si   Giezelle Domingo ng  WU-P na nakapag uwi ng tropeo at 5 thousand pesos cash prize.

Cassandra dela Cruz  from CRT

Si  Cassandra dela Cruz  ng CRT naman ang tinanghal na  1st runner up at nakakuha ng  tropeo at cash prize na nagkaka halaga ng 4 thousand pesos

Kaye Macaila Bagan ng  NEUST

Second Runner up naman si Kaye Macaila Bagan ng  NEUST na nakatanggap ng tropeo at  3 thousand pesos.

At consolation prize naman para sa ibang kandidata na nagkakahalaga ng 1 thousand pesos.

Pagkatapos i-announce ang mga nanalo sa Miss NECSL  ay nagtuloy-tuloy na ang momentum ng Riders ng tanghaling Grandslam Winner ang WUP riders sa Dance Sport.

Naging emosyonal si Lenerly  Mababa at Jerwin de Jesus  ng manalo  ang Wesleyan University  dahil ito na ang huling taon na sila  ang magiging representante ng Dance Sport  bago sila maka-graduate. Anila magandang oportunidad ang NECSL upang maipamalas ng mga estudyante ang kanilang talento sa iba’t ibalang larangan ng sports.

Pinaalalahanan rin ni Lenerly sa magiging representante sa sususnod na season na pagbutihan at wag hayaang mawala sa WU-P Riders ang kampeonato sa Dance Sport.

WU-P Riders

Bukod sa tropeo ay nakatanggap  rin ang  mga nanalo sa Dance Sport ng cash prizes,   twelve thousand pesos para sa kampeon, ten thousand pesos  naman para sa CRT Blue fox na nakuha ang  2nd place,   eight thousand pesos  para sa CIC Kings na nakuha ang   3rd place   at  three thousand pesos naman ang consolation prize.

CRT Blue Fox
CIC Kings

Pumanig man sa Riders ang pagbubukas ng NECSL ay  patuloy pa rin ang laban ng sampung koponan para sa  Mens Basketball at Women’s Volleyball kung saan namayagpag sa nakaraang season ang NEUST Phoenix.

Hawak naman ng CLSU green Cobras ang titulo bilang Mens Volleyball Champion  na tatlong taong pinaghaharian ng Cobras.  – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *