Worship concert, isinagawa sa soft opening ng Freedom Park

Sa pamamagitan ng isang masayang worship concert ay isinagawa ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Gov. Aurelio Umali at sa pakikipagtulungan ng Born Again Christians ang soft opening ng bagong mukha ng Freedom Park sa Cabanatuan City, noong December 20, 2019.

Ito ay dinaluhan ni Vice Governor Anthony Umali, mga kawani ng kapitolyo at mga Novo Ecijano na nagnais na masaksihan ang bagong ganda ng parke.

Ayon kay Vice Governor Umali, pinili ng pamahalaan na buksan ang phase 1 ng lugar sa pamamagitan ng isang makabuluhang konsiyerto na puno ng pagpapala sa diyos.

Sa pahayag ni Gov. Umali, inaalay niya ang araw na yun para sa panginoon na tanging nag-angat sa kaniya sa panahon na maraming pagsubok ang dumating sa kaniyang buhay.

Kagaya na lamang ng mga ilaw sa naturang parke na nagbibigay ng aliw at saya sa bawat isa na sa anumang hamon ng buhay ay mayroong pag-asa.

Kaya naman, ang mga manunuod ay todo kuha ng selfie sa ganda at linis ng lugar.

Naghandog din ng mga libreng pagkain ang Pamahalaang Panlalawigan kagaya ng mainit na sopas at masarap na bibingka sa mga namamasyal.

Ang bagong Freedom Park ay sa inisyatiba ni Former Gov. Czarina “Cherry” Umali at binigyang katuparan sa administrasyon ni Gov. Aurelio Umali. –Ulat ni Danira Gabriel

Watch – Worship concert, isinagawa sa soft opening ng Freedom Park


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *