WU-P RIDERS, PINAHIRAPAN ANG CRT BLUE FOX SA GAME 2 NG BEST OF 3 SA FINALS NG WOMEN’S VOLLEYBALL NG NECSL SEASON 4

CRT Bule Fox, pursidong makuha ang kampeonato ngayong taon sa NECSL Women’s Volleyball
CRT Bule Fox, pursidong makuha ang kampeonato ngayong taon sa NECSL Women’s Volleyball

Matinding depensa at opensa ang ipinamalas ng CRT Blue Fox kahapon (November 4) nang makaharap nilang muli ang WU-P Riders sa CLSU Gymnasium sa Game 2 ng Best of 3 series sa Finals ng Women’s Volleyball ng NECSL Season 4.

Hindi naging madali para sa Blue Fox ang talunin ang Riders.

Umabot sa limang set ang laban.

Sa unang dalawang set, nanaig ang lakas ng Blue Fox, ngunit agad naman itong binawi ng Riders sa Set 3 at Set 4 ng laban.

Sa pagtuntong ng Set 5, kinapos na ang Riders at hindi na kinaya ang bagsik ng Blue Fox.

Palitan ng puntos at malulupit na pagpalo ang ipinakita ng tandem nina Cabasal at Santiago ng Riders at Cacheco at Bautista ng Blue Fox sa bawat set ng laro.

Ayon sa coach ng Blue Fox na si Anastacio Pajarillio Jr., unang pagkakataon na humarap ang CRT sa finals simula ng mag-umpisa ang NECSL.

Sa bandang huli ng mensahe ni Pajarillio, ibibigay nila ang buong puso at dedikasyon sa laro. Nagbitiw din ito na kukunin nila ang kampeonato  ngayong taon sa Women’s Volleyball.

Masayang-masaya naman sa pagkapanalo ng CRT ang Bise Presidente ng CRT na si Ester Arimbuyutan. Maging ang ilang supporters ng Blue Fox, tuwang-tuwa sa narating ng CRT.

Wesleyan Riders, kinapos sa naging laban sa pagitan ng CRT Blue Fox
Wesleyan Riders, kinapos sa naging laban sa pagitan ng CRT Blue Fox

Samantala, aminado naman ang coach ng Riders na si Chito Ramos na nagkulang ang kanilang koponan sa training.

Mamayang 1:00 ng hapon maghaharap ang CRT Blue Fox at Wesleyan University Philippines Riders para sa Game 3 ng Best of 3 series ng NECSL Season 4 Women’s Volleyball.- Ulat ni Shane Tolentino

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *