WUP, CLSU AT NEUST, panalo sa Men’s Basketball elimination round game 7 ng NECSL Season 7

Panalo ang mga koponan ng WUP, CLSU at NEUST sa game 7 ng elimination round ng Men’s Basketball sa Nueva Ecija Collegiate Sports League o NECSL Season 7 noong October 20, 2018.

Sa paghaharap ng WUP Riders at CRT Blue Fox, tinambakan ng WUP ang CRT sa final score na 104-62.

Itinanghal na best player si Jeremy Ingusan na may 22 points, 5 rebounds, 3 assists at 2 steals.

Back to back winner naman ang CLSU Green Cobras kontra MVGFC Ambassadors at OLFU.

Sa labanan ng Cobras at Ambassadors, sa first quarter, isa lamang ang naging lamang ng una sa huli iskor na 17-16. Ngunit, sa mga sumunod na bakbakan ay umangat ng husto ang puntos ng CLSU at nagtapos sa 92-69.

Best player si Julius Carlo Soriano na may 27 points, 10 rebounds at 1 steal.

Sa laro naman ng CLSU laban sa OLFU, ay hindi na pinausad ng CLSU ang OLFU mula first hanggang 4th quarter at sinelyuhan sa score na 94-38.

Pinakamalaking naiambag si Evander Gascon, na umiskor ng 14 points, 6 rebounds at 3 assists.

Wala namang kahirap-hirap at hindi pinagpawisan ang koponan ng NEUST Phoenix, sa hindi pagdalo ng GJC sa naturang game, kaya win by default ang Phoenix.

Sa kasalukuyan, nanatiling hawak ng NEUST ang no. 1 spot, tangan ang pitong panalo at walang tao, habang nakabuntot ang WUP sa anim na panalo at isang talo. 5-2 naman ang standing ng CLSU, 3-2 ang CRT at 3-4 ang MVGFC.

Sa pag-usad ng mga araw ay lalong pinananabikan ang labanan ng mga lulusot na koponan sa nalalapit na semi – finals ng Men’s Basketball sa NECSL Season 7. –Ulat ni Danira Gabriel


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *