WUP, NEUST, MVGFC AT CLSU, wagi sa game 6 ng Men’s Basketball sa NECSL Season 7

Nagtagisan ng galing at lakas sa larong Men’s Basketball ang walong eskwelahan sa game 6 ng elimination round ng NECSL Season 7 na ginanap sa Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba, noong October 11, 2018.

Sa unang laban ay tinambakan agad ng WUP Riders ang OLSHCO sa score na 69- 142.

Pinatumba rin ng NEUST Phoenix ang CIC Kings dahil sa ipinakitang teamwork at unity ng koponan na nagresulta ng tagumpay sa score na 103-52.

Dikit man ang naging laban, ipinakita pa rin ng CLSU Green Cobras ang determinasyon para magwagi kontra OLFU na 13 puntos ang naging lamang sa score na 84-71.

Hindi maikakaila ang pagkahumaling ng mga Novo Ecijanong mag –aaral sa sports na basketball dahil ipinakita nila na tunay naman silang mga determinado na makaangat sa isat – isa .

Nalalapit na ang laban ng mga makakalusot na koponan sa darating na Semi – Finals ng Men’s Basketball sa NECSL Season 7.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *