YAMAHA, NAGBIGAY NG KAALAMAN TUNGKOL SA BASIC SOUND REINFORCEMENT

YAMAHA, NAGBIGAY NG KAALAMAN TUNGKOL SA BASIC SOUND REINFORCEMENTNagbigay ng dagdag kaalaman sa ilang Audio Technician ang YAMAHA Electronics Corporation tungkol sa Basic Sound Reinforcement na ginanap sa Pcific Mall sa lungsod ng Cabanatuan.

Ayon kay Yupangco Electronics Corporation Wholesale Manager Dennis Simsom, nais nilang mas mapalawak ang kaalaman ng mga Audio Technicians lalo na sa mga makabagong kagamitan gaya ng digital.

Kaugnay nito, ipinakilala rin nila ang pinakabagong digital audio mixer ng YAMAHA ns TF3 Digital Mixing Concole na mas magpapadali sa pagtitimpla ng audio ng mga technician.

Buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon nang i-launch ng YAMAHA ang digital audio mixer na ito na di gaya ng analog mixer ay mas madaling gamitin.

Ang YAMAHA Electronics Corporation ay tinitingala sa larangan ng magandang kalidad ng mga produkto sa loob ng mahigit isandaang taon. Kilala ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibat’t ibang panig ng mundo.

Samantala, laking tuwa ng mga audio technicians dahil anila mas lumawak ang kanilang kaalaman pagdating sa pagtitimpla ng sounds at paglalagay ng effects gaya sa microphones.- ulat ni MARY JOY PEREZ.

 


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *