Young Street Soldiers, kauna-unahang kampeon ng Hataw Sa Tag-araw 2018

Justin Bieber tribute full-blast street dance.

Yan ang ipinamalas ng Young Street Soldiers sa ginanap na Hataw sa Tag-Araw Dance Contest 2018 sa Gapan City Plaza nitong nakaraang Linggo, April 29.

Sa pamamagitan ng kanilang sharp moves, costume, unique choreography, at stunts, pinahanga ng nasabing hip-hop crew mula Caloocan City ang mga hurado at manonood dahilan upang sila ang tanghalin bilang kauna-unahang grand champion.

ITINANGHAL ANG YOUNG STREET SOLDIERS BILANG KAUNA-UNAHANG GRAND CHAMPION NG HATAW SA TAG-ARAW 2018 SA GAPAN CITY.

Isa lamang ang Young Street Soldiers sa pitong kalahok na yumanig sa entablado ng Gapan City Plaza.

Ang iba pang kalahok na nagpakita ng unstoppable force sa dance floor ay ang San Isidro Dance Republic, Legacy, Elite Justice Squad, Batang Maharlika, Step No Dancers at Hyper Crew.

Ayon sa isa sa mga organizers na si Edgar Pascual, bukod sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga taga-Gapan City, layunin din ng nasabing dance contest na ilayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at magbigay ng inspirasyon sa mga ito.

Nakamit ng Elite Justice Squad ang ikalimang pwesto at nag-uwi ng P2, 000.

4th placer naman ang Batang Maharlika na nag-uwi ng P3, 000.

3rd placer ang Legacy na nag-uwi naman ng P5, 000.

Habang 2nd placer naman ang Step No Dancers na nag-uwi ng P10, 000.

Nasungkit naman ng Young Street Soldiers ang grand prize na P15, 000 at trophy.

Bukod sa mga nasabing premyo, nagkaroon din ng raffle sa mga manonood kung saan nagpamigay ng cellphones, gift checks, speakers, electric fan, free load, earphones at iba pa mula sa mga event sponsors.

Ang Hataw sa Tag-Araw 2018 ay bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Gapan City sa pangunguna ni Mayor Emerson “Emeng” Pascual.

Inaasahan na magtutuluy-tuloy na rin ito sa mga susunod pang mga taon. – ULAT NI JANINE REYES.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *