YOUTUBE SENSATION MIKEY BUSTOS, PINATAWA ANG MGA NOVO ECIJANO SA KANYANG PALENGKE CONCERT

Masaya at makulit ganyan mailalarawan ang concert ni Pinoy Boy Mikey Bustos na tinawag na Palengke World Tour kung saan binisita rin ni Mikey ang Khaliblu Palace Cabanatuan para mag concert.

Sinuportahan din ito ni Doc Anthony Matias Umali hindi lamang dahil sa galing ni Mikey mag perform kundi dahil na rin sa abokasiya na ang benepisyo ng concert na ito ay tumulong sa mga kabataan. High tech at comportable din manuod dahil na rin sa magandang facilities ng Khaliblu na nag pahanga din kay Mikey.

Todo ang naging suporta ng kanyang mga fans hindi lang dahil sa galing nito sa pag pe-perform kundi dahil na rin sa pagiging mabait at macariño nito sa mga fans. Hindi lamang ipinakita ni Mike yang kanyang galing pagdating sa pag pe-perform kundi ipinakita rin nito ang pagmamahal sa bansang Pilipinas.

Ipinanganak man at lumaki sa Canada ay hindi pa rin nakalimutan ni Mikey ang Pilipinas, kaya naman sa mga video na kanyang ini-uupload sa youtube ay ipinakikita dito ang iba’t ibang kultura ng bansang Pilipinas. Isa na  sa pinakasikat na parody na kanyang ginawa ay ang “adobo” Filipino parody ng kantang Let It Go.

        Ang Palengke World Tour ni Mikey Bustos ay isang paraan upang makatulong sa ating mga kababayang maralita. Beneficiary ng Palengke World Tour ang Apple Drive Project.

        Nang bumisita sa Baler, Aurora si Rj, dito na nagsimula ang kanyang bakasyon na tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mansanas.

       Sa Toronto Canada susunod na magco-concert si Mikey Bustos na gaganapin sa June 25- Ulat ni Amber Salazar

[youtube=http://youtu.be/QaKkRwOZSzc]


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *