Zaragoza District, kampeon sa Congressional District -1 Athletic Meet 2018

Hakot-award ang Zaragoza District Elementary level na nakasungkit ng sampung gintong medalya, apat na pilak at isang tanso sa ginanap na Congressional District 1 noong nakaraang Biyernes November 16, 2018 sa Bayan ng Quezon, Nueva Ecija.

Sumunod ay ang Aliaga District na nakakuha ng  (8-Gold, 9-Silver, 7-Bronze). Ang Guimba West District naman ay nakasungkit ng  (8- Gold, 6-Silver, 13- Bronze), Quezon District (6-Gold, 3-Silver, 3- Bronze), Sto. Domingo District (6-Gold, 2-Silver, 5- Bronze), Nampicuan District (4-Gold, 5-Silver, 4- Bronze), Licab District (3-Gold, 1-Silver, 2- Bronze), Cuyapo West District (2-Gold, 7-Silver, 3- Bronze), Guimba East District (2-Gold, 3-Silver, 2- Bronze), Talavera North District (2-Gold, 3-Silver, 2- Bronze), Cuyapo East District  (1-Gold, 5-Silver, 2- Bronze) at ang Talavera South District na nakakuha rin ng (1-Gold, 3-Silver, 1- Bronze).

Ang mga pinaglabanan ng mga atleta ay ang Badminton, Basketball, Baseball, Volleyball,  Chess, Sipa/Sepak Takraw, Table Tennis at Dance Sports.

Sinimulan nina  Doc. Anthony Matias Umali at Mayor Boyet Joson ang programa sa pagpapalipad ng friendship balloons,   pagtaas ng banner ng bawat distritong kalahok kasabay ng pagpapa-apoy ng isang atleta sa Friendship flame bilang hudyat ng pagbubukas ng naturang event.

Ayon kay  Michael Pamaran, Sports Coordinator ng Quezon District, layunin ng CD-1 Athletic meet 2018 na  hubugin ang pisikal na aspeto ng isang atleta, linangin ang disiplina sa sarili ng bawat indibidwal, at salain ang  magiging pambato, at mapaghandaan ang susunod na kumpetisyon.

Samantala, ang mga nanalo  ay maghahanda na para sa  darating provincial meet 2018.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.

https://youtu.be/PaJx0R4Q46k


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *