Zyryll Bayudan, Tinanghal bilang Binibining Bibiclat, Aliaga 2019

Tinanghal bilang Binibining Bibiclat  Aliaga 2019 si Zyrill Bayudan. Aniya ang kompetisyon na ito ay naging dahilan upang mas tumaas pa ang tiwala nya sa kanyang sarili.

Walang pagsidlan ang tuwa ni Zyryll lalo pa at naging mahaba ang preparasyon para sa coronation night na pinaghandaan ng 15 kandidata.  Sa gabi ng koronasyon ay hindi magkamayaw ang hiyaw ng mga supporters ng bawat kandidata lalo pa ng magsimula ang kanilang production number.

National Costume

Dahil na rin nakapaloob sa buwan ng kalayaan ng bansa ang kompetisyon  ay ipinakita rin ng mga kandidata ang pagiging makabayan  sa kani-kanilang bersyon at interpretasyon ng national costume.

Casual Attire
Shorts Attire
Makapigil hininga rin ang ganda at yumi ng mga kababaihan sa kanilang long gown.
Nagpakita ng ganda at talino ang 15 kandidata ng Binibining Bibiclat, Aliaga 2019

At ang huling pagsubok na pinagdaanan ng mga kababaihan ay ang question and answer portion.

Bb. Bibiclat SK Jayzel Alcantara
Bb. Bibiclat tourism Danna Tolentino

Sa 15 kandidata ng Binibining Aliaga para sa taong 2019 ay napili bilang natatanging binibini si Zyril Bayudan, 17 years old at estudyante ng Adamson University. 

Siya ang ika limang  binibini na nagkamit ng titulo bilang binibining Bibiclat, Aliaga.

Nagpasalamat naman si Rodel Capalad, head organizer ng patimpalak sa walang sawang suporta ng mg Aliageño sa Binibining Bibiclat,  Aliaga. – Ulat ni Amber Salazar


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *